05 January 2010
anong nangyari
umikot ang mundo, kasabay nito ay ang pagikot ng ating buhay.
bakit biglang nagbago ang lahat, hindi ba't may mga bagay na tayong pinagisipan?
sa isang iglap, ika'y nalito, ako'y nahilo.
sa isang sandali, may kahati na sa puso mo.
anong nangyari? anong nagawa?
pilit ko mang ibalik ang nakaraan,
hindi ko ito kaya ng magisa.
pilit ko mang ipagkasiksikan ang sarili,
kung tulong mo'y wala, walang mangyayari.
anong nangyari? anong nagawa?
bakit sa saglit na panahon,
tila nasayang ang mahabang samahan,
pagmamahalan na tapat,
hahayaan lang bang masayang.
anong nangyari? anong nagawa?
ginawa nang lahat, umiyak, sumamo at lumuhod,
ngunit kung di matanggap, pano na?
kung iba na ang nasa isip,
at wala na talaga ako, pano pa?
anong nangyari? anong nagawa?
kung ito ang kinakailangan,
wala akong magagawa kundi hayaan,
huwag lang sanang masaktan,
dahil ako'y tiyak na masasaktan.
anong nangyari? anong nagawa?
sana ay lumigaya, sa napiling landas,
ako'y magsisimula muli
at haharapin ang kinabukasan,
na sana'y para sa atin.
anong nangyari? anong nagawa?
26 December 2009
disyembre
maligayang pasko sa lahat, kung meron mang nakakabasa.
at masayang bagong taon.
bagong taon na naman, at syempre bagong buhay na naman, maaga ko nang nasimulan ang ibang pagbabago.
at marami pala talagang pagbabago. hindi lang sa akin, kundi sa mga nakapaligid sa akin. mga pagbabagong ang hirap intindihin. mga pangyayaring bakit dapat pang mangyari? mga pagkakataon na sana ay hindi pinalipas. mga pagsisising lagi na lang nasa huli.
anong meron sa bagong taon na ito?
ito ba ay tulad rin ng nakalipas na taon? sana ay hindi.
marami akong gustong itanong, na hindi ko naman alam kung sino ang makakasagot. marami akong gustong malaman, pero hindi ko alam kung kanino ko makukuha ang mga bagay bagay.
pano ba magpatawad? madali ba 'yon?
pano ba magtiwala? kahit na nasira na ito ilang beses?
pano ba magmahal? kahit na alam mong sobrang mahal mo na?
pano ba mabuhay? na pwedeng wala o meron ka sa tabi mo.
pano ba?
bakit ba... kailangan pang mangyari 'to?
bakit ba... ang hirap hirap?
bakit ba... kahit na nasasaktan na, tuloy pa rin?
bakit ba... nagmamahal ako ng sobra sobra?
bakit ba?
ano naman... ang dapat ko'ng gawin?
ano naman... ang mangyayari kung susundin ko 'to?
ano naman... ang susunod?
ano naman?
turuan mo ko...
20 November 2009
salitang banyaga muna
God has His own plans for all of us... but for me, it was different, its special. He showed me His itenerary for me. And it was so fantastic, so awesome, so great and it was unbelievable. Its more than what i've expected. Thank you so much! I feel so blessed.
My sweet November wish list
1. I will be more positive than ever.
2. I will be more active.
3. I will stop abusing myself, and start respecting it, physically, emotionally, mentally and financially.
4. I will enjoy and cherish every little blessings.
5. I will be more productive.
6. I will try to sleep and wake-up as early as i can.
7. More process, more progress and less complain.
8. I will shave my head every 2-3 weeks; moustache, beard and goatee every other day.
9. I will try to be sober as long as i can.
10. I will reset my practice of faith, and try to be a good servant.
12 November 2009
hape berdey
labing isang araw. isang taon na naman ang lumipas sa walang kwenta kong buhay.
at sa araw na ito, marami pa akong nalaman, natutunan, at di malamang naramdaman. (baka natatae lang ako o isa lang hilab ng tiyan).
isang taon. sana sa dadating pang isang taon, iba naman. maging maganda sana ang ika dalawampu't walo ko.
may nagsimula na ng pagbabago. hindi lang maliit na pagbabago. isang ikot, tatlong daan anim-napu. maraming salamat sayo.
at isa pa. sa dadating na taon, isa na akong taong walang amo. pero may trabaho.
at pagsisikapan ang mga bagay na nais makamit. eto na tamang panahon. para sa akin ang taon na ito. at wala akong isasama kundi ikaw. sino? wala pa.
itutuloy.
09 September 2009
siyam
ika siyam na araw ng ika siyam ng buwan dalawang libo at siyam.
siyam siyam siyam.
bukas... ang opisyal na huling araw ko sa trabaho dito sa brunei.
pito. pitong taon din ang lumipas ng magpunta ako dito para manilbihan.
sa di kasamaang palad. talaga nga naman masasabi ko na.. swertihan ang ang swerte.
pagmalas... malas ka kahit anung gawin mong pagpupumilit na makamit ang swerte.
talaga atang mailap ang magandang trabaho sa akin. pitong taon.
sabi nga ng iba. "baka hindi talaga para sa'yo"
eh para kanino? eh anong para sa akin? eh bakit?
eh bakit nga ba hindi?
kung kaya't nagdesisyon na ako. umalis at sumubok naman sa iba.
kaya't sabi naman ng iba... "yan ang pinakamaandang ginawa mo. matagal na sana..."
oo nga eh, bakit pinatagal ko pa kung di rin naman pala ako masaya. bakit nga ba?
takot? o sadyang mahina ang loob?
pero saan? sa taong iiwan? sa mga bagong taong makakasalimuha? sa mga bagay na hindi mo alam kung anong mangyayari? sa mga pangyayaring di mo alam kung saan ka tatahakin?
sa lagpas pitong taon ko dito. siguro maramirami din akong naipon na ekpiryensiya.
pero di ko alam kung saan.
pero tila pakiramdam ko, nilagpasan lang ako ng panahon. tila umikot ng pitong ulit ang mundo na nasa isang lugar lang ako.
malabo. malabo.
sana sa darating na sampu sampu sampu. kahit konti lang. sana may mga pagbabago.
umaasa....
asa ka pa... ungas!





